Home » Post Item » Dalawampung Bagay…

Dalawampung Bagay…

November 13, 2005

…tungkol sa korsaryong ito.

Kung napadpad ka mula sa Slip of the Pen, maraming salamat sa pagbisita. Kung napadaan ka lang naman, basa na rin!

1. Sa Ingles, nabansagan akong si Corsarius. Sa Tagalog, tawagin mo na lang akong Kidlat Karimlan.

2. Si Gari ang nag-tag sa ‘kin, at susundan ko na lang ang pagkakagawa nya ng kanyang sariling listahan. Para na rin maayos ang pagkakasulat ko. Mahirap ata mang-barbero — este, mag-isip, di ba?

3. Second year pa lang sa UP, naisipan ko ng magshift sa Journ o Creative Writing. Naka-ilang singko na kasi ako sa CS non.

4. Mukha akong galit (mataray?) sa unang tingin. Sabi nila. Sabi rin ng salamin. Pero ngingiti naman ako pag kinausap. Pramis.

5. Artista ako dati. ABS-CBN. Pumasa ako sa isang audition/workshop na ginanap sa LSQC (grade school ko). Nag-enroll ako sa isang workshop. E sa magaling daw yung pinakita ko, ayun, lumabas tuloy sa ilang kiddie shows.

6. Kasama ko nung grade school sa school paper at ABS-CBN Talent Circle si Terry Ridon. Magkaribal na magkaibigan, kung tawagin. Kung aktibista ka, malamang narinig mo na ang ngalan nya.

7. Na-bokya ako sa isang pagsusulit noong kindergarten dahil sa kalokohang ‘not-following-the-instructions’. Wala na sigurong mas bobokya pa kesa sa zero, ano?

8. Palanca — napakagandang salita. Sana bago ako mamatay e manalo man ako kahit isang Palanca award. (Ayaw pa kasi sumali e.)

9. Nagbago ang buhay ko noong nanalo ako ng 1st Place sa Newswriting sa National Secondary Schools PressCon, 2002 sa GenSan. Kala ko kasi inutil akong todo, hindi pala. Inutil lang ng onti.

10. Ang dahilan kung bakit gusto kong magshift sa Journ — News Editor ako nung GS, News Ed ulit nung HS, naging Lit Ed ng College Pub sa UP, at Editor-in-Chief ng UP Parser. Parse ko ‘to!

11. Kahit mukhang naligaw ako ng kurso, oks na rin na nag-ComSci ako. Dito ko nakahiligan ang lahat ng bagay techie.

12. Sakitin ako nung GS. Nung HS. Ayoko nang sabihin ang susunod. Marahil ay dahil type AB ako. (Ano kaya yon?!)

13. Mga kinahihiligan kong manunulat sa pantasya ay si JRR Tolkien at Elaine Cunningham, at si Ben Bova at Isaac Asimov naman para sa sci-fi.

14. Gusto ko nang kumuha ng Driver’s License. Bente anyos na ‘ko. Nakakahiya, syet!

15. Taas: 5′6″. Taba, este, Bigat: 130 lbs. Mata, Balat, at Lupa: Kayumanggi.

16. Masyado akong mabilis magsalita. Nalulunod ko ang sinasabi ng kausap ko, at nalulunod rin ang tamang pagiisip ko sa debate. Tsk tsk.

17. Gusto ko kapag umuulan. Basta nasa bahay ako.

18. Wala akong nanay. Ina, wala din. Lalo na mommy.

19. Ang angkan namin ay hango sa Aklan, at dati akong tambay ng Boracay.

20. Ako’y nagmahal na ng 4-5 babae sa tanang buhay ko. Bakit 4-5? Masyadong magulo ang buhay, ‘yan ang sagot.

Posted by corsarius at 7:53 pm | permalink

Previous Comments

Kutob ko, mananalo ka rin ng Palanca balang araw. Maghintay ka lang. At syempre, sumali ka naman.

Posted by abaniko at November 14, 2005, 3:08 pm

Maraming salamat, kaibigan. Hamo, sa susunod na patimpalak, sasali na 'ko.

Posted by Anonymous at November 15, 2005, 2:06 am

palanca? tsk. heheehhehe. goodluck! marami pang ibang paraan para mapakita at maibahagi ang talento mo sa pagsusulat.

;)

Waah nakapunta ka nang GenSan! Ang ganda rin ng dagat nila dun. Sa malayong tingin mala-Boracay din. ;)

Posted by Drakulita at November 28, 2005, 2:24 pm

sabagay, kung iisipin nga naman. gaya ng blogging? hehe.

gusto ko ngang pumunta ulit ng GenSan e. unang beses ko sa Mindanao 'nun.

(ngayon lang kita nabasang deretsong tagalog magsulat! :D )

Posted by Anonymous at November 28, 2005, 11:03 pm

aba may angal? :P

Posted by Drakulita at November 30, 2005, 8:47 pm

wala po!! :P

Posted by Anonymous at December 1, 2005, 12:42 am

baka trip mo gumawa ng scifi/fantasy na shortstory o kaya in comic/graphic novel form: look here

Posted by Drakulita at December 4, 2005, 9:04 am

hehe…mukhang maganda yan. salamat sa link, quel! :)

Posted by Anonymous at December 5, 2005, 10:48 pm

http://valium.uzgate.com - Best pharma portal
http://www.autoworld.tn.uz - All about cars and car insurance,

http://www.googletestad.tn.uz/google-googletestad-monitor-query.html

Posted by http://valium.uzgate.com at July 9, 2006, 11:54 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment