Huling Pagsulong ng Isulong SEOPH!
September 25, 2006Ngayon ko lang napansin — naka-English pala ang huling post ko! Bwiset hehe, sabi ko pa naman Tagalog tong blog na to. Eniwei…
Ilang araw na lang at magtatapos na ang Isulong SEOPH contest. Malayo nang makaabot pa kami ng Number 1 sa Google Search Engine Result Pages (SERPs), pero sana naman di kami matanggal sa Top 10. Pang-lima kami ngayon sa daan-daang (tama ba?!) manlalahok, kaya hindi na rin masama.
Ang ibig sabihin nga pala ng SEOPH ay "SEO Philippines", kung saan ang SEO ay nangangahulugang "Search Engine Optimization".
Gud lak sa aming Go-Ogle Isulong SEOPH na blog!
SEO Contest: Isulong SEOPH
August 22, 2006Hey guys, please support our entry to the Isulong SEOPH Search Engine Optimization Contest, Go-Ogle's Isulong SEOPH. We're currently in the first page of Google, and we hope to maintain our performance until September 29, the contest end. Thanks a lot!
Go-Ogle Isulong SEOPH!
UP Eng’g Gradball
May 13, 2006Abril 25, 2006
Ang Big Event na matagal na naming hinintay — ang Graduation Ball ng UP Diliman College of Engineering, tinaguriang Tramonto ("When the Sun Sets"). Siyempre full force ang mga bagong nagsitapos mula sa Department of Computer Science.
Susunod: Grad Ball Epilogue.
Corsarius: 21 Anyos
May 10, 2006Tumatanda na ako!
Mangyari lang po’y sumadya sa Slip of the Pen para sa aking taunang "birthday post". Maraming salamat.
Basketball Exchange Pilipinas!
May 9, 2006
Mahilig ka ba sa basketball? Kung oo, punta na sa Basketball Exchange.PH, ang bagong blog para sa mga basketball addict. Lahat ay matatalakay — NBA, PBA, UAAP, NCAA, tsaka video games. Naimbita ako ni Gary Mercado na sumulat para sa blog na yun, kaya kita-kits na lang sa Basketball Exchange.PH!
Gradball Prologue: Spiral
Abril 25, 2006
Medyo napaaga kami ng dating sa Manila Yacht Club, kaya naman tumuloy muna kami ni bespren Ia at ng kanyang mga magulang sa Hotel Philippine Plaza para tsumibog. Nalibre pa nga ako. Sa Spiral una akong nakalasap ng oyster soup (di ako kumakain ng oyster bago sa oras na yon) — lasang karne ng baka lang pala!
Susunod: College of Engineering Grad Ball. Reverse chronological order po hehe.
Graduate na Ako!
Noong nakaraang Abril 23, nagtapos ako ng kolehiyo at nakamit ang digring pinagpaguran ng apat na taon. Kung tutuusin, delayed pa nga dapat ako e, hinabol ko lang. Tenk yu Lord!
Gumawa ako ng munting "graduation post" sa Slip of the Pen. Sa mga susunod kong entry dito sa Karimlan, ilalagay ko ang mga piling litrato ng aking mga alaala sa UP. Literal na litrato ha, walang literary pa-epek.
Susunod: College of Engineering Grad Ball Pictures
Silver Flame: The UP Diliman Computer Science Week 2006
February 24, 2006(Punta kayo ha!)
UP Diliman’s Department of Computer Science celebrates 25 years of excellence in computing diversity in its week-long Silver Flame, to be held from February 27 to March 3. Everyone’s invited to a week filled with symposia, company talks, various competitions, and a culminating night – all of which showcase the intelligence, innovativeness, and flair that UP DCS students have been known for.
The theme Silver Flame honors the silver anniversary of the Department while highlighting the fiery fervor for the Department’s pursuit of excellence; rightfully so, for DCS students are known within the College of Engineering as the DCS Firefoxes.
Incidentally, this is going to be the last time that the UPD DCS shall celebrate its anniversary in Melchor Hall. The department is slated to move to a new, larger building early next year; one can also think of Silver Flame as the Department’s grand farewell to the historic edifice.
Inquiries can be made through email (upcsnetwork@gmail.com). The week’s packed lineup of great events:
February 27, Monday
Engineering Theater
8:30 - Opening Ceremonies
10:00 - Undergraduate Research Symposium: Networking and Distributed Systems
12:00 - Grand Pakain
1:00 - Company Talk by Accenture: Accenture Education Program (Summer Intership)
2:00 - Undergraduate Research Symposium: Computer Security
4:00 Student-Teacher Dialogue
February 28, Tuesday
Engineering Theater
8:30 - Undergraduate Research Symposium: Artificial Intelligence and Bioinformatics
12:00 - Lunch break
1:00 - Talk by Dr. Paco Sandejas: Career Paths
2:00 - Undergraduate Research Symposium: Biomedical Informatics
March 1, Wednesday
8:30 - Distinguished Alumni Lecture by Prof. Peter Valdes (Engineering Theater)
- CS 32 Quiz Bee (MH 233A)
- Java Cup (MH 209, MH 215)
- Siemens Company Exam for Batch 1(MH 515)
12:00 - Break
- Accenture Company Exam (BE AVR)
1:00 - Company Talk by Innove: WiFi / Globelines Broadband (BE AVR)
2:00 - CS 12 Programming Competition (MH 209)
- Quizzardry (Engineering Theater)
March 2, Thursday
8:30 - 2nd UP ACM Programming Competition (MH 215)
- Webmaster’s Challenge (NEC AVR)
- Siemens Company Exam for Batch 2 (MH 525)
12:00 - Lunch Break
1:00 - Awarding Ceremonies (Engineering Theater)
March 3, Friday
8:30 - The UP Parser Editorial Exam (MH 233A)
10:00 - Company Talk by Gametel: Mobile Games (Engineering Theater)
11:00 - Company Talk by Siemens (Engineering Theater)
12:00 - Lunch Break
1:00 - CS 196 Presentation (BE AVR)
2:00 - Company Talk by Anxa: Introduction to Mobile Application Development
(Engineering Theater)
5:30 - Flame On!: The CS Night (Blue Onion, Eastwood)
Maligayang Blog-Kaarawan, Slip of the Pen!
December 30, 2005
Disyembre 29 ang araw na isinilang ang aking personal/literary blog, Slip of the Pen! Dahil siya ang aking pinaka-unang blog sa lahat, tumanda na rin ako ng isang taon bilang blogger.
Basahin ang birthday post dito.
Ang Kulang sa Pasko Ko
December 28, 2005(Ang aking Christmas post noong nakaraang taon sa Slip of the Pen.)
Hindi ko ramdam ang kumpletong diwa ng Pasko.
Ilang tao na kaya ang nagsabi ng ganito? Libo-libo? Milyon-milyon? Marahil narinig mo na ito mula sa ‘yong mga kaibigan. Mga kaanak na baon sa problema. Mga tambay sa kanto na pulos toma ang inaatupag. Mga manunulat na madrama (gaya ko). At kung alam ko lang, baka ganito din ang nararamdaman mo. Siguro’y sawa ka na sa mga taong nagrereklamo kung bakit hindi sila madapuan ng sayang hatid ng Disyembre. Siguro’y iniisip mo ngayon kung bakit nakukuha ko pang magsulat tungkol sa isang paksang gamit, laos, cliché.
Pero ano bang magagawa ko? Kasalanan ko ba na ako’y makulangan sa nagdaang Pasko? Alam ko, ang diwa ng Pasko ay ang pagsilang sa ating Panginoong Hesukristo. Hindi naglaho ang saysay ng Pasko para sa akin; may kulang lang. Kulang — hindi dahil sa…
1) mabibilang ng mga daliri sa kamay ang mga regalo kong natanggap
2) nakaligtaan naming magtayo ng Christmas Tree at magsabit ng mga palamuti
3) hindi ako nakadalo sa Midnight Mass o kahit isa man lang Misa de Gallo
4) hindi kami nakapunta ni bespren sa peryahang Paskong Pasiklab dito sa QC
5) masiklab na pagtatalo ng aking mga tito na sumira sa aking Noche Buena
6) mga alaala ng UP Lantern Parade 2003, na hindi napantayan ng parada ng 2004
7) nagkaroon ako ng lagnat at sakit-tiyan mula Disyembre 23 hanggang 26 (ngayong araw).
Hindi ako dismayado dahil sa mga rasong ito. May napansin lang akong nawala sa nakaraang linggo.
Nawala ang ingay sa labas ng aming bahay, ang ingay na bumabaha sa Kalye Cordillera tuwing mga gabi ng Disyembre, ang ingay na kinaiinisan ng ilan at kinatutuwa ng marami. Para sa akin, ang ingay na ito ay ang boses ng diwa ng Pasko.
Ito ang boses na bumibigkas ng mga pag-asa sa buhay, bata man o matanda. Ito ang boses na nagdarasal sa langit, humihingi ng tulong sa sanggol na Tagapagtanggol; ang panalanging ito’y ikinukubli sa masasayang awit tulad ng Joy to the World at Pasko na Naman.
Tahimik sa labas. Iilan na lang kasi ang nag-karoling sa amin ngayong Pasko.
Hindi ko alam kung ganito ang naging siste sa lugar ninyo. Pero nang magtanong ako sa aking bespren, pareho kami ng natumbok — talagang naging Silent Night ang bawat gabi papalapit ng Kapaskuhan, at ito’y para na rin sa ikalulungkot ng pagdiriwang.
Pagdiriwang. ‘Yon ang magic word. Anong klaseng pagdiriwang meron tayo kung walang mga batang umiikot sa baranggay at kumakanta sa kanilang maliliit at matitinis na boses? Masayang pagdiriwang ba kapag wala ang mga bagets na pilit kumakanta ng Jingle Bells kahit sintunado? Kapag hindi rumoronda ang kayganda’t kaygaling na all-girls choir ng inyong parokya para magbigay ningning sa gabi? Kapag wala ang mga harana ng "Tenk yu, tenk yu, ang babarat ninyo, tenk yu"?
Naaalala ko pa, may sandaling panahon sa buhay ko na ako’y nagkaroon ng oras at tapang para mag-karoling. Oras, dahil iyan ang nauubos sa atin kapag tumatanda. Tapang, dahil hindi ko lubos maisip ngayon kung paano namin nakuhang magkakabarkada na magbahay-bahay nang alas-diyes ng gabi at tumahak ng isang dosenang kalye. Mga pito hanggang trese anyos lang kami noon. May mahirap, karamihan middle-class, pero walang mayaman sa amin.
Mga alas siyete ng gabi, tutulak na kami sa aming munting abentura, kaming limang bubwit. Balot kami ng mga jacket, dahil kapag pumatak na bandang alas-nuebe, giginawin na kami. Kumpleto din kami sa gamit — nariyan ang maliit na lata ng ice cream (siyempre wala nang laman) para paglagyan ng salaping maiipon. May bitbit din kaming maraca bilang pangalawang instrumento (ang pangunahin ay ang latang-alkansya, na kapag may lamang barya ay siya namang nakatutuwang ugain). At hindi nawawala ang aming ‘kuwintas ng Coke’ — mga pinitpit na tansan ng softdrink, binutasan sa gitna at nakasabit sa isang piraso ng alambre. Ito ang karagdagan naming ‘sounds’, o ‘props’ kung ‘yon ang mas gusto mong tawag.
Kung nitong nakaraang linggo, marami na para sa isang gabi ang limang grupo na makapag-karoling sa isang bahay, dati’y napakababa ng bilang na ito. Marami kaming karibal sa paghingi ng pamasko noon. Sa kahit anong sandali, meron kaming kaagaw sa isang linya ng mga bahay. Pinuputakti ang aming barangay ng mga nangangaroling!
Kanya-kanyang gimik, ke bata o teen-ager o matanda. ‘Yong ibang grupo, may nag-se-second voice. Meron ding nagko-costume ng Rudolph the Red-Nosed Reindeer (ayaw mong maniwala?). Kami, umasa na lang sa pagiging gwapo at mukhang inosente (umasa, sabi ko). Ang pinaka-kinakatakutan nga naming makasabay noon ay isang grupo ng mga magagandang dalaga. Kapag naunahan kami ng mga ‘yon sa isang bahay, wala nang aginaldong maibibigay sa amin ang mga nakatira. Nahalina na kasi sila sa mga naunang dilag.
Iniisip ko, bakit umonti ang bilang ng mga nagka-karoling ngayon? Dahil ba sa hirap ng buhay, at pagliit ng mga bulsa ng mga tao? May katwiran ang pag-iisip na ito — kung wala nang magbibigay ng pamasko, wala nang mamamasko, ganoon kasimple. Ang mga dating nagbibigay ng papel de bangko, ngayon barya na lamang ang handog. Ang dating kinakantahan namin ng ‘Ang babarat ninyo, tenk yu!’ ang kakanta pa sa ‘yo ngayon ng ‘Patawad!’
Sa katunayan, wala akong narinig na umawit ng ‘Ang babarat ninyo’ nitong Disyembre. Bakit? Swerte na nga sila kung mapamaskuhan ng onti e. Napansin ko rin na ang mga bata ngayon ay hindi na nagdadala ng lata (katulad ng bitbit namin noon). Sa bulsa na lamang isinisiksik ang koleksyon nila. Lahat, kasya na doon.
Dati, wala kaming problema sa pamamasko. Kaya nga naimbento ang awit para sa mga barat magbigay. Madali naming napupuno ang lata. Binabalik-balikan pa nga namin ang mga bahay ng mga sarili naming pamilya! (Bata pa lang kami noon.) Limang araw bago mag-Pasko — Joy to the World ang aming inawit sa tapat ng apartment unit na tinitirhan ko, kapalit ay si Mabini. Tatlong araw — Jingle Bells para sa dalawang Quezon. Isang araw (bispiras ng Pasko) — Pasko na Naman, Roxas naman. Jackpot!
Dati ‘yon. Masaklap ngayon.
Pero hindi ko masisisi ang mga tao sa paghihigpit sa kanilang gastusin, sa kanilang pagiging…kuripot. Kahit dito sa aming tahanan, damdam ang kahirapan. Mas simpleng handa sa hapag-kainan, mataas na bunton ng mga credit card bill sa isang sulok, nabubulok na second-hand Lancer sa labas. Ang latang ginamit namin dati sa pangangaroling, nakapatong sa istante, nagsisilbing lalagyan ng perang ibibigay sa mga namamasko. Ilang piraso ng bente-singko sentimos na lamang ang natitira. Madaling naubos ang laman kahit iilan ang humarana sa amin.
Sana, sana lang, umunlad ang buhay. Napaka-orihinal na mithiin, di ba? Pero sino bang ayaw ng masaganang buhay, at ibahagi ang kasaganahang ito sa mga kababayang nakikipagdiwang sa ‘yo ng Pasko? Sino bang gustong maging kill-joy, maging Mr. Scrooge? Sino bang gustong makaramdam ng pagiging kulang ng diwa ng Pasko?
Ako, ayoko. Marahil, ikaw rin—
Teka, ang ingay sa baba. Umaalulong ang mga aso namin sa sala. Bakit kaya?
“Sa may bahay, ang aming bati, Merry Christmas na maluwalhati…”
Ayun. May nangangaroling pala. Tapos na ang Pasko, pero may naglakas-loob pa ring mamasko.
Sumilip muna ako ng sandali mula sa mesanin. Kita kong humahangos ang aming kasambahay mula sa kusina. Patuloy ang pagkanta ng mga bata sa tapat ng munti naming tarangkahan. Patuloy rin ang pagtahol ng mga aso.
“…ang pagibig ang siyang naghari, araw-araw ay magiging Paskong lagi!”
“Patawad!” sigaw ng kasambahay. “Tapos na ang Pasko e,” dagdag pa niya.
Tsk. Sayang ang natitira pang barya sa lata.
SEA Games 2005: Laban Pilipinas!
November 29, 2005
Mabuhay ang atletang Pinoy!
[Basahin ang aking SEA Games 2005 post sa Crimson Crux.]
Attn: Mobile Game Developers!
November 23, 2005Isang pagpapabatid lang po ulit.
Mobigame 2005 Seminar
Ever wanted to create your own mobile phone game? Or itching to get
known and rewarded for your mad game development skills?
Then drop by the Mobigame 2005 Seminar to be held this Friday at UP
Diliman. Mobigame is a mobile game development competition and
training sponsored by MMOG Philippines and DLSU. Get to ask the
questions which matter, get the facts straight about this unique test
of talents. Hear from the personalities behind the competition. And of
course, freebies await!
Mobigame 2005 Seminar
10am - 12noon
Friday, November 25, 2005
Engineering Theater, Melchor Hall
University of the Philippines Diliman
This leg of the Mobigame 2005 school tour is proudly hosted by the
Philippines’ one and only award-winning Association for Computing
Machinery (ACM) chapter, UP ACM.
UPDATE (11/24/05): Competition mechanics can be found here.
Dalawampung Bagay…
November 13, 2005…tungkol sa korsaryong ito.
Kung napadpad ka mula sa Slip of the Pen, maraming salamat sa pagbisita. Kung napadaan ka lang naman, basa na rin!
1. Sa Ingles, nabansagan akong si Corsarius. Sa Tagalog, tawagin mo na lang akong Kidlat Karimlan.
2. Si Gari ang nag-tag sa ‘kin, at susundan ko na lang ang pagkakagawa nya ng kanyang sariling listahan. Para na rin maayos ang pagkakasulat ko. Mahirap ata mang-barbero — este, mag-isip, di ba?
3. Second year pa lang sa UP, naisipan ko ng magshift sa Journ o Creative Writing. Naka-ilang singko na kasi ako sa CS non.
4. Mukha akong galit (mataray?) sa unang tingin. Sabi nila. Sabi rin ng salamin. Pero ngingiti naman ako pag kinausap. Pramis.
5. Artista ako dati. ABS-CBN. Pumasa ako sa isang audition/workshop na ginanap sa LSQC (grade school ko). Nag-enroll ako sa isang workshop. E sa magaling daw yung pinakita ko, ayun, lumabas tuloy sa ilang kiddie shows.
6. Kasama ko nung grade school sa school paper at ABS-CBN Talent Circle si Terry Ridon. Magkaribal na magkaibigan, kung tawagin. Kung aktibista ka, malamang narinig mo na ang ngalan nya.
7. Na-bokya ako sa isang pagsusulit noong kindergarten dahil sa kalokohang ‘not-following-the-instructions’. Wala na sigurong mas bobokya pa kesa sa zero, ano?
8. Palanca — napakagandang salita. Sana bago ako mamatay e manalo man ako kahit isang Palanca award. (Ayaw pa kasi sumali e.)
9. Nagbago ang buhay ko noong nanalo ako ng 1st Place sa Newswriting sa National Secondary Schools PressCon, 2002 sa GenSan. Kala ko kasi inutil akong todo, hindi pala. Inutil lang ng onti.
10. Ang dahilan kung bakit gusto kong magshift sa Journ — News Editor ako nung GS, News Ed ulit nung HS, naging Lit Ed ng College Pub sa UP, at Editor-in-Chief ng UP Parser. Parse ko ‘to!
11. Kahit mukhang naligaw ako ng kurso, oks na rin na nag-ComSci ako. Dito ko nakahiligan ang lahat ng bagay techie.
12. Sakitin ako nung GS. Nung HS. Ayoko nang sabihin ang susunod. Marahil ay dahil type AB ako. (Ano kaya yon?!)
13. Mga kinahihiligan kong manunulat sa pantasya ay si JRR Tolkien at Elaine Cunningham, at si Ben Bova at Isaac Asimov naman para sa sci-fi.
14. Gusto ko nang kumuha ng Driver’s License. Bente anyos na ‘ko. Nakakahiya, syet!
15. Taas: 5′6″. Taba, este, Bigat: 130 lbs. Mata, Balat, at Lupa: Kayumanggi.
16. Masyado akong mabilis magsalita. Nalulunod ko ang sinasabi ng kausap ko, at nalulunod rin ang tamang pagiisip ko sa debate. Tsk tsk.
17. Gusto ko kapag umuulan. Basta nasa bahay ako.
18. Wala akong nanay. Ina, wala din. Lalo na mommy.
19. Ang angkan namin ay hango sa Aklan, at dati akong tambay ng Boracay.
20. Ako’y nagmahal na ng 4-5 babae sa tanang buhay ko. Bakit 4-5? Masyadong magulo ang buhay, ‘yan ang sagot.
Kidlat Karimlan
October 17, 2005Isang maikling talambuhay ni Corsarius. Sinulat ko ‘to para sa isang General Elective na kurso sa UP Diliman. Babala: May pagka-mayabang ang pagkakasulat nito.
Paumanhin
Matagal-tagal din akong nawala. Ika nga sa Ingles, No excuses. Isipin mo ba naman, kakasimula ko pa lang magsulat dito sa i.ph, bigla na lamang ako titigil. Hay buhay, pag busy ka nga naman.
Para sa mga bagong balita sa buhay ni Corsarius, daan na lang kayo sa aking dalawang blog: Slip of the Pen (personal) at Crimson Crux (teknolohiya).
UP Diliman ICT Roadshow 2005
August 10, 2005Isang pagpapabatid lang po.
ICT ROADSHOW 2005
UP Diliman
College of Engineering (Melchor Hall), 3rd Floor, August 9-11 2005
presented by:
UP Diliman Department of Computer Science (DCS)
UP Parser, Official Student Publication of the DCS
UP Association of Computer Science Majors (UP CURSOR)
CS Representatives 05-06
Association for Computing Machinery - UP Student Chapter (UP ACM)
UP Linux Users’ Group (UnPLUG)
Three days jampacked with Exhibits and Symposia on exciting ICT Trends and Technologies!
Freebies to be claimed, and prizes to be won!
ICT Roadshow
Main Event
August 10, 2005
7:30 AM to 8:30 AM - Registration*
8:30 AM to 9:00 AM - Opening Ceremonies (Invocation and National Anthem)
9:00 AM to 9:45 AM - Government Initiatives on CICT (Dondi Mapa, CICT Commissioner)
9:45 AM to 10:00 AM - New Gadgets 1 (Epson)
10:00 AM to 10:30 AM - Open Source (TBA) / Talk (Dr. Jaime Caro, UP AVP for Development)
10:30 AM to 11:00 AM - Piracy (TBA)
11:00 AM to 11:15 AM - New Gadgets 2 (Redwood)
11:15 AM to 11:45 AM - New Cellphones and 3G Services (TBA)
11:45 AM TO 12:00 AM - New Gadgets 3 (Microdata)
12:00 PM to 1:00 PM Break
1:00 PM to 1:30 PM - Broadband Intenet Access/VoIP (Richard Dequiña)
1:30 PM to 1:45 PM - New Gadgets 4 (TBA)
1:45 PM to 2:15 PM - E-commerce/Blogging Trends and Issues (Janette Torral, Executive Director, DigitalFilipino)
2:15 PM to 2:30 PM - New Gadgets 5 (TBA)
2:30 PM to 3:00 PM - How to Get Hired as an IT Professional (Roselyn Santos)
3:00 PM to 3:15 PM - New Gadgets 6 (TBA)
3:15 PM to 4:00 PM - Call Centers (Selwyn Alojipan)
*registration is open all day
For inquiries, contact Phillip Kimpo Jr. (09172779456, pykimpo@gmail.com), Geo Lubaton (09154017953, gclubaton@gmail.com), or Ia Lucero (09202974104, sofimi@gmail.com)
Pasinayaan ang Karimlan
Patayin ang ilaw, sindihan ang kandila. Tumitig sa munting lagablab. Sa puso ng apoy iyong mapagmamasdan ang buhay ayon sa mga sulatin ng Corsarius.
(Bumisita sa pangunahing blog ni Corsarius, ang Slip of the Pen, para sa Korsaryong sumusulat sa dayuhang wika. Seryosong Corsarius ba kamo ang hanap mo? Dumaan naman sa Crimson Crux.)









